Christmas Catechism Tagalog Pack
Bayard Philippines
Kumuha ng isang set kasama ang limang (5) libro para sa inyong mga anak!
Akitin ang puso at palaguin ang pananampalataya sa Living with Faith Kids!
Mainam at siksik sa gawaing pang Katekesis sa mga paaralan.
Ang pinakamainam ng regalong pambata lalo na tuwing Banal na Komunyon, Christmas, Pasko ng Pagkabuhay at iba pang kapistahang pansimbahan.
Ang Misa
Ang Banal na Misa ang pinakamahalagang pagdiriwang dahil ito ay nagpapa-alala sa mapagligtas na kamatayan at maluwalhating pagkabuhay ni Hesus. Sa pagdiriwang na ito’y kabahagi natin ang ating pamilya at ating parokya. Sa librong ito, matututunan ng mga bata ang mga bahagi ng Banal na Misa: mga panalangin, tugon, kilos at kanta- na lahat ay bumubuo sa pinagmulan ng ating pananampalatayang Kristiyano at ng pinaka-mataas na uri ng pagpapahayag nito.
Dagdag pa rito, may mga makukulay na stiker upang matulungan ang mga bata maging bihasa sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng Misa.
Sa loob: pagpapaliwanag ng bawat bahagi ng misa: (panimula, mga pagbasa, mga panalangin at komunyon)
Ang Pagdarasal ng Rosaryo
Naaalala mo pa ba noong una kang natutong magbilang gamit ang iyong mga daliri? Ganoon din ang pagro-rosaryo. Ito ay isang panalanging isina-ayos sa madaling paraan upang mabilis na maalala ang mga salita sa Bibliya at ang mga mahahalagang kwento sa buhay ni Hesus.
Ang mga panalanging bumubuo sa rosaryo ay simple at karamihan ng mga salita ay hango sa Bibliya.
Gamitin ang mga makukulay na stiker sa librong ito upang matutunan ang Rosaryo sa tama nitong pagkakasunod-sunod, at ito ay magiging epektibong paalala tungkol sa isang debosyong magpakailanman.
Ang Bibliya
Handa ka na ba sa isang espesyal na handog? Ang Bibliya ay handog o regalo mula sa Diyos sa buong mundo! Medyo mabigat ang regalong ito, puno ng kwento, sulat, at marami pang iba. Lahat sila nagpapakita kung gaano kamahal ng Diyos ang tao.
Alamin pa ang tungkol sa pagmamahal ng Diyos- at ang Bibliya- dito at ngayon. Simulan natin kina Adan at Eba at iba pang mga kanais-nais o di kanais-nais na mga ninuno ni Hesus. Plus, mayroon ka pang mga stickers! Puede kang maging isang bible expert sa pag-aral ng mga gawa ng Diyos sa pamamagitan ng Bibliya!
Sa loob: “Bible facts”, and Luma at ang Bagong Tipad, mga repleksiyon at mga talata mula sa Bibliya
Ang mga Anghel
Alam mo bang may isang anghel na sumalba kay Tobias mula sa isang dambuhalang isda? Alam mo bang may anghel na nag-aalaga saiyo 24/7? Nagtataka ka ba kung ang mga anghel at may sariling mga pakpak? Gusto mo bang malaman ang mga kwento tungkol sa mga anghel? Tingnan ang loob ng librong ito at basahin ang mga makapangyarihang drawings ng mga nilalang na ito na mahal na mahal ang Diyos!
Sa loob: Mga laro, “Alam mo ba?”, bahagi ng bibliya na may mga drawings ng mga kwentong anghel.
Kilalanin si Maria
Mahal siya ni Hesus. Mahal siya ng mga santo at mga banal. At mahal din natin siya! Marami kang matututunan dito kung bakit si Maria ay mahal na mahal ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Malalaman mo rin kung bakit ang Ina ni Hesus ay Ina rin nating lahat! Plus, may mga makukulay ka rin na mga stickers para matutunan ang tungkol kay Maria na nagmamahal din sayo!
Sa Loob: Mga laro (I-connect ang mga dots, kumpletuhin ang mga salita, kulayan si Maria, crossword)